Heto na naman ako ay may hawak na pluma,
handa muling pairalin . . .
pagiging makata;
Mula sa isipan ay pilit pinipiga
yaong magaganda, nguni’t
payak na ideya.
Pagtudla sa isipa’y kakaibang karanasan,
paglalakbay tila sa kung
saan . . . o sa kung kalian,
kawangki pa’y panaginip,
subali’t may kaibahan –
Ito’y kinukusa nanag may buong kamalayan.
Ngayong ako’y nagmumuni’t handa nang maglakbay,
landas ko’y mga diwang sa
pag-agos, walang humpay;
Ang karo ko’y ang isipang sa paglalaro’y `di mahimlay,
at pluma’t papel naman, sa
labay ay silbing gabay.
Sa lakbay ko’y maaring kahit ano’y magawa,
uwak ay gawing puti, araw
nama’y pula,
pumaroo’t pumarito, gumawa
ng himala,
ituwid ang baluktot at
ihayag ang tama.
Ito ba’y isang pagtakas? . . . Paglimot o pag-iwas?
. . . sa salimuot ng buhay
ay isang panlunas?
Kung pakawawariin, ditto ay mababakas
ang katotohanang halos
hindi na mabagtas!
philip briana
October 1987
No comments:
Post a Comment