Kapag isip ang pagsuko
ng pagkusang nahahapo,
alalahaning iyong tanto
kapangyarihang totoo.
Kung kalungutan o muhi
sa puso’y ibig maghari,
pag-ibig ba ay napawi
sa Mesiyas na inapi?
Ano at nahahalina –
sa mundo ay may pagsinta?
Kaibigan, tumingala;
Luwalhati’y naroon nga!
Mundo ma’y hiti sa kulay . . .
Nang-aait, kaniyang alay;
Sadyang wala riyan ang buhay;
Pagkiling diya’y . . . nakamamatay.
Sa dalawang panginoon –
Ang Diyos o huwad na poon,
sa isa lamang ituon
ang diwa mo at panahon.
Walang dudang panibugho
ang madarama ni Kristo
kung iyong pamimintuho,
may iba pang sumasalo.
Kahinaan ba o alay
ng mundo ang nanlulupaypay?
Ito sana’y maging gabay:
Taglayin, luwalhating
tunay!
philip briana
May 24, 1991
No comments:
Post a Comment