Kaakibat ng kamustahan,
`di maiwasang pamamaalam;
Ang kaibayo ng `sang bagay
ay totoong batas ng buhay.
Kung gayo’y `di dapat mahapis;
Siphayo’y dapat maialis;
Bawa’t ugnayan ay may wakas –
may tagsibol, may taglagas.
Papaghilumin na ang sugat;
Kirot ay sa’n ba nag-uugat?
Bakit nga ba may pagkalumbay
tuwing may pusong
nawawalay?
Pa’no’y mali iyaring sandigan
ng mithi nating
kaligayanhan;
Tunay ngang sa mundo ang lahat –
panandalian at ‘di ganap.
Ngunit dapat tayong magalak
sa natatakdang magaganap;
Doon sa ‘ting patutunguhan,
tuwa ay magpakailanman.
Philip briana
June 2, 1991
No comments:
Post a Comment