Ikaw ba’y kapayapaang
hatid sa ‘ming kalooban
tuwing matamang magigisnan,
mabini mong kalikasan?
Pagkadalisay ng diwa
ng ‘sang paslit, Ikaw nga ba?
Kung tigib kami sa
sala,
hindi ka naming madama.
Kawangis mo’y
bahaghari –
sa ganda’y kapuri-puri . . .
kung may unos, minimithi
‘pagkat badya ay mabuti.
Ikaw rin ba’y ang
larawan
ng kahirapan . . . katandaan?
Dito ba’y
masisilayan,
dakila mong kalikasan?
Ikaw’y aming
kikilanlin
‘pagkat ito ang mithiin;
Idulot nawa sa amin,
Iyong pang-unawa’t paningin.
philip briana
April 18, 1992
No comments:
Post a Comment