Tuesday, July 31, 2012

Monday, July 30, 2012

SINO KA . . . ?


Ikaw ba’y kapayapaang
                hatid sa ‘ming kalooban
                tuwing matamang magigisnan,
                mabini mong kalikasan?

Pagkadalisay ng diwa
                ng ‘sang paslit, Ikaw nga ba?
Kung tigib kami sa sala,
                hindi ka naming madama.

Kawangis mo’y bahaghari –
                sa ganda’y kapuri-puri . . .
                kung may unos, minimithi
                ‘pagkat badya ay mabuti.

Ikaw rin ba’y ang larawan
                ng kahirapan . . . katandaan?
Dito ba’y masisilayan,
                dakila mong kalikasan?

Ikaw’y aming kikilanlin
                ‘pagkat ito ang mithiin;
Idulot nawa sa amin,
                Iyong pang-unawa’t paningin.




philip briana
April 18, 1992

PAVOR NOCTURNUS

They do dome . . . those vivid dreams;
They flow with my subliminal streams
to tickle the fancy of my feebleness
or perhaps to shatter
my sadness,
as they haunt me in my slumber.

Pegasus flying over the Eiffel,
war chasms in a Hellenic realm,
Cyclops chasing the Big Apple;
I believe my dreams,
and everybody else’s,
distort one’s sense of time and space.

Nocturnal visions seem real;
Or are they?
But whether or not they are,
They shatter!
No matter, though, how they shatter,
often when reality is harder to bear
dreams so come to be my shelter.




philip briana
February 1988

PUNO NG BUHAY


Saan nga ba nanggagaling
        tagapagdulot ng lilim?
Hindi nga ba’t sa munting butyl
        na kailangan pang makitil?

Ano’t tigib ito ng buhay . . .
        pamatid-gutom sa `mi’y alay?
Layon nito ang mabaon . . .
. . .  at nagdulot sa `min ng buhay.

Ngayo’y talos ko nang totoo,
        aral na dulot ng puno;
Tunay ngang daan sa luwalhati
        ang pagtatawa sa sarili.

Nawa, ako’y iyong atasang
        maghandog buhay tin sa tanan;
Sa pasakit man mapadako
        aking Hesus, narito ako.




philip briana
April 8, 1993

PAALALA . . . Kay Ate Gi


Kaakibat ng kamustahan,
        `di maiwasang pamamaalam;
Ang kaibayo ng `sang bagay
        ay totoong batas ng buhay.

Kung gayo’y `di dapat mahapis;
Siphayo’y dapat maialis;
Bawa’t ugnayan ay may wakas –
        may tagsibol, may taglagas.

Papaghilumin na ang sugat;
Kirot ay sa’n ba nag-uugat?
Bakit nga ba may pagkalumbay
        tuwing may pusong nawawalay?

Pa’no’y mali iyaring sandigan
        ng mithi nating kaligayanhan;
Tunay ngang sa mundo ang lahat –
        panandalian at ‘di ganap.

Ngunit dapat tayong magalak
        sa natatakdang magaganap;
Doon sa ‘ting patutunguhan,
        tuwa ay magpakailanman.


Philip briana
June 2, 1991

PARADOX IN PAIN


My heart beats as the gallops of a stallion;
I gasp for breath in much exhaustion . . .
and am confined in deafening solitude;
a painful phase of fate’s vicissitude.

I writhe in pain wrought by loneliness;
A jaded soul I am, clothed in sadness . . .
with strength suctioned by abandonment . . .
left in oblivion in eternal moment.

But . . . pain ensues from a decision . . .
from a venture . . . a risk . . . a taken option;
With a deliberate move, pain may come be;
Thus, I am hurting . . . because I am free.





Philip Briana
March 11, 2010
6:00 pm