Pag-asa ko noon . . . kaya ong lumusong;
. . . Nang mag-isa? . . . Walang alalay o tulong!
Nguni’t nang paglusong sa lawa’y lumaon,
nau! Agad isinaisip ang
pag-ahon.
Nilayon pa ang maglakbay nang mag-isa;
Pa’no . . . kasama’y bitbit daw na abala;
Nang sa biyahe, pagkaulila’y nadama,
nagtaka pa’t kinusa ang
pag-iisa.
Sapantaha ay lihis nga sa katuwiran;
Maging ang langit Niya’y isang pamayanan;
Kung ang pag-uusapan ay katibayan,
tipak ng bato – sa moog –
ay walang laban.
Oo nga’t ugnayan sa Kaniya’y sapat na;
Kaligtasang handog Niya ang mahalaga;
Nguni’t kagustuhan din Niyang walang duda,
pag-uugnayan ng mga ana
Niya.
Ngayo’y talos ko na ang layon Niyang ito;
Sa `king paglalakad, gabay mo’y tanglaw ko;
Sa ma mata mo’y aking matatanto
kung sa maling landas,
habang ko’y dadako.
Ang mga kamay mo’y ang kamay ng Pastol
na aahon sa `kin sa tiyak
na pagkalipol;
Kung sa pagpapasiya’y mali iyating hatol,
tinig niya ang iyong
maaring pagtutol.
Sa `ing paglalakbay, ako nga’y samahan
. . . tulungang marating ang magpakailanman
. . . ituro sa akin, totoong kahulugan
ng kalikasan ng Kanilang
ugnayan.
philip briana
January 11, 1992
No comments:
Post a Comment