Ang iniiwasang uod,
nagdudulot din ng lugod;
kung sa tingi’y abang-aba,
laon ito’y mariposa.
Ang pook na pawing niyebe,
sa lungkot ay tila gabi;
Dulot nito ay siphayo;
Kung tag-sibol . . . paraiso!
Alalahanin ang butil;
Saysay nito ang makitil
sa paraang pagbabaon;
Hintay . . . ito ay uusbong.
Sa tao rin ay may pakay,
hilahil at pagkamatay;
Daluyan ang kamatayan
ng buhay-magpakailanman.
philip briana
May 25, 1991
No comments:
Post a Comment